pagbigyan na ko sa title, blog ko naman to. kaya sa commenter ko na itago natin sa pangalang guest, wag mo ng kwestiyonin bakit ako may mga fans, okay? sige, update lang bago maubos ang load ng internet namin (oo na! jologs ang internet namin dito, de metro! buti pa sa mindoro unlimited. ewan nga ba bakit prepaid pa pinili namin, ahahahaha!)
so ayun nga, unang araw kanina ng career ko. hindi ko pa siya masasabing trabaho kasi baka maudlot pa. alam mo naman, pag bino-broadcast ko biglang di natutuloy. clue kung ano to? may pag-asang pumayat ako dito at linggo linggo kailangan kong magpasalin ng dugo sa kaka-nosebleed. yun na yun! kanina kasi yung first day ng training. sana naman this time ma-career ko na to? na-frustrate ako nung una kong try eh, hahahaha! ma-break ko naman sana yung record kong 2 months, gawin man lang nilang 2 months at 1 day. joke lang! (baka may kokontra na naman!!) e bakit ko ba naisip i-career to? dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. walking distance lang mula sa bahay ko. ibig sabihin hindi ko na kailangang gumising ng maaga para makapagpakitang-gilas sa attendance, at hindi ko na kailangang makipag-siksikan sa MRT! good news di ba?
2. hindi ko kailangang mag-business attire. e allergic nga ako sa pormalan di ba?
3. may pag-asang pumayat ako dito. katulad ng nabanggit ko kanina. pero siyempre nasa akin pa din no? basta, papayat ako dito!!
4. may nakita akong okay na ka-buddy dito: babae, hindi nag-iinom, hindi nagyoyosi, maganda, ka-sense of humor ko. yun nga lang, mas bata sa kin kaya todo ate ang tawag sa kin, pero okay lang. napansin ko din kasi lahat ng kaibigan ko ngayon mas bata sa kin. hindi na ata nag-improve ang maturity ko. at isa pang negative sa friend ko na to, mukhang mapapaaway kasi sa kataklesahan, ahahahaha!
ngayon, kung papalpak pa din ako dito isa lang ibig sabihin nun: boplaks ang communication skills ko, ahahahaha! pero hindi man ako pumasa dito, may plan B pa naman. wish me luck! tumatanggap din ako ng prayers! 